
Mabuhay ang Masang Filipino...
Kami ang tunay na pulang mandirigma, kami ay mga anakpawis na humihiling nang tunay na pagbabago ng sistema. Nakikibaka kami hindi para sa aming sarili kundi bagkus sa kinabukasan ng mga susunod na henerasyon na naghahangad ng tunay na kaunlaran, katarungan at pagkapantay pantay sa karapatan. Nais naming mabuksan ang isipan ng lahat ng mamamayan para sa isang tunay na pagbabago. Mabuhay ang tunay na anak ng bayan!!!